Pabuya ng nagsumbong sa tax evader kakaltasan din

Bubuwisan pa rin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pabuya sa mga indibiduwal na magsusumbong ng mga tax evader na vlogger at social media influencer.

Kamakailan lamang ay inanunsyo ng BIR na makakakuha ang informant ng 10% ng makokolektang halaga mula sa sinumbong nilang tax evader ngunit ang halagang magiging pabuya ay ‘di dapat lumagpas ng P1 milyon.

Ngunit paglilinaw ng ahensiya, maging ang 10% na pabuyang ito ay babawasan pa nang 10% para sa withholding tax.

Bukod dito, walang pabuyang makukuha ang informant kung ang sinumbong nilang pangalan ay nasa target list na ng BIR.

“Informers should submit the confidential information under oath to the legal division in the national or regional office. They are also allowed to use an alias to protect them from retribution,” ani BIR Deputy Commissioner for Operations Arnel Guballa. (Mark Joven Delantar)

The post Pabuya ng nagsumbong sa tax evader kakaltasan din first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments