Umakyat na sa 20 ang bilang ng mga nai-report na nasawi habang mahigit 354,000 pa rin ang apektao sa pananalasa ng nagdaang bagyong `Jolina’ ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sinabi ng NDRRMC na mula sa 20 ni-report na namatay, tatlo ang kumpirmado at 17 ang bineberipika pa nila.
Nasa 33 katao naman ang nai-report na sugatan at nawawala.
May kabuuang 354,613 na tao o 90,835 pamilya ang apektado sa 1,594 barangay sa Region 3, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Region 6, 8, 12 at National Capital Region.
Hanggang nitong Biyernes nasa 1,333 pamilya ang mga nasa 100 evacuation center pa.
Aabot naman sa 4,509 apektadong pamilya ang nasa kanilang mga kaanak o mga kaibigan pansamantalang nakitira. (Kiko Cueto)
The post NDRRMC: Todas kay `Jolina’ pumalo sa 20 first appeared on Abante Tonite.
0 Comments