Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 23,134 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa nitong Sabado, Setyembre 18.
Pangalawa ito sa pinakamataas na naitala ng DOH noong Setyembre 11, 2021 kung saan ay nakapagtala ng 26,303 bagong kaso.
Base sa DOH Case Bulletin No. 553, umabot na sa 2,347,550 ang kabuuang bilang ng dinapuan ng virus buhat nang maganap ang pandemya noong 2020.
Nasa 27,024 naman ang gumaling at 255 ang karagdagang nasawi dahil sa COVID.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang COVID infection sa bansa, 7.8% (184,088) ang aktibong kaso, 90.6% (2,126,879) na ang gumaling at 1.56% (36,583) ang namatay.
May 59 duplicate case ang inalis sa kabuuang kung saan ay 41 sa mga ito ang nakarekober.
Nakapagtala naman ng 143 kaso na unang iniulat na nakarekober pero namatay pala matapos ang final validation.(Juliet de Loza-Cudia)
The post 23K bagong COVID case, 143 gumaling patay pala first appeared on Abante Tonite.
0 Comments