Halos dalawang milyong katao kada taon ang namamatay sa mga sakit at injury na may kaugnayan sa trabaho, ayon sa United Nations (UN).
Karamihan umano sa mga nasabing kaso ay dahil sa mahabang oras ng pagtatrabaho.
Nagbabala ang UN na posibleng lumala pa ang sitwasyon dahil sa pandemya.
Sabi pa sa report, nasa 1.9 milyong namatay sa buong mundo noong 2016 ay mayroong kinalaman sa trabaho, na tumaas mula sa 1.7 milyon sa simula ng bagong siglo at hindi umano nabibigyang-pansin.
Ayon kay World Health Organization chief Tedros Adhanom Ghebreyesus, lumabas sa pag-aaral na ang 19 kadahilanan sa peligro sa trabaho ay kinabibilangan ng pagkalantad sa mga carcinogen tulad ng asbestos, ergonomic factor gaya ng matagal na pag-upo at manu-manong paghawak ng mga karga.
Pinakamalaking sanhi ng kamatayan ay chronic obstructive pulmonary disease, kung saan 415,000 katao ang namatay, sumunod ang strokes (400,000) at ischaemic heart disease (350,000).
Samantala, lumobo naman ng 41% ang death rate sa sakit sa puso dahil sa mahabang oras ng pagtatrabaho.(Issa Santiago)
The post 2M todas sa mahabang oras ng trabaho – UN first appeared on Abante Tonite.
0 Comments