BI bantay sarado sa pagpasok ng terorista

Nakaalerto ang Bureau of Immigration (BI) laban sa pagpasok ng mga hinihinalang terorista sa bansa.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, lahat ng tauhan nila sa mga international airport at seaports nationwide ay laging gising para maiwasang makapuslit ang mga dayuhang terorista.

Agad aniyang pinauuwi ang mga pasaherong kahina-hinala ang layunin sa pagpasok sa Pilipinas.

Matatandaang inalerto ng Japan ang Pilipinas matapos makatanggap ang Tokyo ng intelligence report tungkol sa posibleng terror attack sa anim na bansa kabilang na ang Pilipinas. (IS)

The post BI bantay sarado sa pagpasok ng terorista first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments