Muling kinalampag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan na palakasin ang contact tracing sa kanilang mga nasasakupan laban sa COVID-19.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, dapat may isang contact tracer ang bawat barangay para sa populasyon na hindi lalampas ng 5,000 para mapalakas ang paghahanap sa mga posibleng dinapuan ng COVID ngayong nasa bagong alert level system na ang Metro Manila.
“Mainam na ang contact tracer ay magmula sa miyembro ng BHERT [Barangay Health Emergency Response Team] ng barangay dahil inaasahan na sila ay nakadalo sa mga angkop na pagsasanay at kilala nila ang mga tao sa kanilang lugar,” sabi ng kalihim.
Sa mga barangay aniya na mahigit 5,000 ang populasyon ay maaaring kumuha o magtalaga ang lokal na pamahalaan ng karagdagang contact tracer para mag-monitor sa kanilang lugar. (Dolly Cabreza)
The post DILG: Contact tracer importante sa granular lockdown first appeared on Abante Tonite.
0 Comments