Mini-casino binulaga, 20 player dinakma

Dinakma ng mga awtoridad ang 20 katao kabilang ang tatlong babae at tatlong Koreano habang nagsusugal ng poker sa isang mini casino sa Quezon City, nitong Sabado ng madaling araw.

Ang mga naaresto ay sina Sungmin Lee, 39; Hyejung Kim, 41, at Minho Kim, 48, pawang Korean Citizen; Michael Chan Santos, 43; Amil Uy Yap, 52; Roque Magallanes Patana, 36; Eric Lim Wang, 31; Ruzzel De Leon Jose, 30; Elmar Tizon Sevilla, 50; Sonny Domingo Bantugan, 51, at Antonio Paradillos Lugo, 53.

Kasama ring nadakip sina Ramil Duarte Deniega, 43; Joshua Baking Aldrich, 20; Jayson Bulaong Galang, 38; Angel Bobby Eclavia, 37; Judith Mejia Ramirez, 36; Leonard Dechavez Aban, 43; Alvan Lorilla Uy, 34; Froilan Cleofas Fajardo, 42, at Rose Ann Ongray Montero, 34 anyos.

Sa report ng Quezon City Police District’s Special Operations Unit, alas-12:30 ng madaling araw kahapon nang maaresto ang grupo sa mini casino sa No. 11 Binmaca St., Barangay Manresa, QC.

Ayon kay PLt. Col. Jonar R Yupio, hepe ng DSOU, QCPD, nakatanggap sila ng impormasyon na sa kabila ng ipinatutupad na GCQ Alert Level-4, isang “mini casino” ang nagsasagawa ng operasyon sa nasabing lugar.
Dito ay sinalakay ang lugar at inabutan ang grupo na nagsusugal ng poker.

Nasamsam sa lugar ang gambling paraphernalia, gaya ng bet money, poker chips, playing cards at table. (Dolly B. Cabreza)

The post Mini-casino binulaga, 20 player dinakma first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments