
Tuloy pa rin ang pagbibigay ng libreng COVID-19 swab test ng lokal na pamahalaan ng Maynila sa publiko maging sa mga hindi residente ng lungsod.
Ito ang inihayag ni Manila Mayor Isko Moreno kaya lamang ay nagbago na ang mga contact number na maaaring tawagan ng publiko.
Maaaring tawagan ang Manila Emergency Operation Center (MEOC) para sa libreng RT-PCR swab test sa cellphone numbers na 0960-822-9384, 0977-729-7572, 0915-065-6335, 0961-628-1414, 0961-062-7013, 0968-438-9304 o 0995-496-6176 para makapagparehistro sa libreng swab test.
Sinabi ng alkalde na sa ilalim ng pagsubaybay ni MHD chief Dr. Poks Pangan, 100 katao kada linggo ang nabibigyan ng libreng RT-PCR testing sa drive-thru sa Quirino Grandstand. Nagsisimula ang free testing kada Lunes at nagtatapos kada Biyernes.
Bukod pa ito sa libreng swab test at antigen test na ibinibigay sa Delpan Quarantine Facility at Sta. Ana Hospital. (Juliet de Loza-Cudia)
0 Comments