Inanunsiyo na ng ibat-ibang celebrity sa larangan ng basketball at showbiz ang kanilang intensiyon na kumandidato para sa lokal na posisyon sa 2022.
Nabatid na maghahain ang dating PBA player na si Robert `Dodot’ Jaworski Jr. ng kanyang kandidatura bilang vice mayor sa Pasig sa ilalim ng partido ni Mayor Vico Sotto.
Tatakbo naman bilang mayor sa Cainta, Rizal ang isa pang alamat ng PBA na si Alvin Patriomonio.
Nag-anunsiyo na rin si EJ Falcon na lalaban sa pagka-vice governor sa Oriental Mindoro habang ang aktres na si Claudine Barretto ay tatakbong
Nagpa-abiso naman ang actor na si EJ Falcon na lalaban siyang Vice Governor ng Oriental Mindoro habang ang aktres na si Claudine Barreto ay lalaban sa pagka-konsehal sa Olongapo City.
Konsehal naman ng Quezon City ang target ni Alfred Vargas na matatapos na sa kanyang ikatlong termino bilang kongresista ng lungsod.
Habang vice mayor naman sa Maynila ang tatakbuhan ng aktor na si Yul Servo na matatapos din ang termino bilang kongresista.
Ang aktres na si Arci Muñoz ay tatakbong konsehal sa Cainta habang sa
Parañaque City naman si Alma Moreno. (Dolly Cabreza/Billy Begas/Eralyn Prado)
The post Mga ex-PBA player, artista sasabak sa eleksiyon first appeared on Abante Tonite.
0 Comments