Naglabas ng karagdagang P451.3 milyong pondo ang Department of Budget and Management (DBM) para bayaran ang special risk allowance (SRA) ng mga healthcare worker sa pribado at ospital ng gobyerno na nakatutok o may direct contact sa mga pasyenteng may COVID-19 mula Disyembre 20, 2020 hanggang Hunyo 30, 2021.
Ayon sa pahayag ng DBM, ang P407.1 milyon ay galing sa contingent fund at hinugot naman ang P44.2 milyon sa miscellaneous personnel benefit funds ng 2021 national budget.
Ang P44.2 milyon ay para sa mga nasa pampublikong ospital at P407.1 milyon naman ay para sa pribadong sektor at sa mga healthcare worker na wala sa plantilla.
Ayon sa dokumento ng DBM, Setyembre 14, 2021 inaprubahan ng Malacañang ang paglalabas ng pondo para sa mga nasa pribadong sektor at wala sa plantilla at Setyembre 20 inilabas ng DBM ang pondo sa Department of Health.
Sabi ng DBM, P8.23 bilyon na ang inilabas nitong pondo para sa 499,116 healthcare worker na ang tinanggap ay hanggang P5,000 na SRA kada bawat buwan. (Eileen Mencias)
The post P451M SRA swak sa mga health worker first appeared on Abante Tonite.
0 Comments