Pagbabakuna vs COVID gawing sapilitan

Isinusulong sa Kamara ang panukala na layong gawing mandatory ang COVID-19 vaccination sa lahat ng mga nararapat makatanggap nito.

Sa inihaing House Bill No. 10249 ni Bulacan Rep. Florida Robes, nakapaloob ang mandato na dapat mabigyan ng COVID-19 vaccine ang lahat ng mga Pilipino at residente ng Pilipinas na karapat-dapat na maturukan nito.

Nakasaad sa panukala na lahat ng gastusin para sa bakuna ay dapat sagutin ng pamahalaan habang ang mga private company ay maaaring bumili ng bakuna para sa kanilang empleyado at dapat ito ay libreng ipamamahagi. (Eralyn Prado)

The post Pagbabakuna vs COVID gawing sapilitan first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments