1M COVID bakuna lumapag sa ‘Pinas

Mahigit sa isang milyong COVID-19 vaccines ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Miyerkoles.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), lu­lan ng Royal Brunei airlines flight BI-683 sa NAIA Terminal 1 ang may 2,000 doses ng AstraZeneca bakuna na donasyon ng Brunei government sa bansa.

Habang dala naman ng Air Hong Kong flight LD456, na lumapag sa NAIA Terminal 3, ang 1,016,730 doses ng Pfiz­er-BioNTech bakuna.

Ayon sa MIAA, ang higit isang milyong Pfizer vaccines ay ba­hagi na binili ng pam­bansang gobyerno na ipamamahagi naman sa iba’t ibang LGU sa bansa.

Ang panibagong shipment ng mga ba­kuna ay sinalubong ng ilang opisyal ng gobyerno bago ito di­nala sa storage facility upang mapanatili ang kalidad nito. (Otto Osorio)

The post 1M COVID bakuna lumapag sa ‘Pinas first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments