Bebot niluray sa tren, mga pasahero nanood lang

Kawawa ang sinapit ng isang ba­bae sa loob ng tren sa Philadelphia, USA matapos siyang gahasain ng isang lalaki habang ang ibang mga pasahero ay nanood lang at kumuha pa ng video.

Ayon sa USA Today, kinilala ang suspek na si Fiston Ngoy, 35-anyos.

Bigla na lamang daw hinarrass ni Ngoy ang biktima at ginahasa ito sa loob mismo ng sinasakyan nilang tren.

Ang malungkot dito, nanood lang umano ang ibang mga pasahero at nag-video lang habang pinagsasa­mantalahan ang babae. Dumaan na rin daw ang tren sa ilang mga ista­syon ngunit wala man lang umaksi­yon sa panig ng mga pasahero.

Kung hindi pa umano dumating ang mga kawani ng Southeastern Pennsylvania Transportation Authority sa isang train stop ay hindi ma­huhuli si Ngoy sa akto.

“When the doors opened, an of­ficer entered and saw what he be­lieved was a criminal act occurring,” ani Police Chief Thomas Nestel. “He ripped that man off her and pulled him out onto the platform.”

Batay sa imbestigasyon ay umabot ng 40 minuto ang panghahalay ng lalaki sa babae. (Mark Joven Delantar)

The post Bebot niluray sa tren, mga pasahero nanood lang first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments