Pinawalang-sala ng Supreme Court (SC) ang tatlong magkakapatid na inaresto sa Pasig City dahil sa iligal na droga may 15 taon na ang nakalilipas.
Ito ay matapos mapatunayan na nagkaroon ng ‘lapses’ ang awtoridad sa paghawak at paglalatag ng ebidensya.
Nabatid sa resolusyon na ipinost online, binaligtad ng SC ang desisyong inilabas ng Court of Appeals (CA) noong 2012 kung saan ibinasura nito ang apelang inihain nina Longpi, Ali at Kamal Bagul kaugnay sa illegal possession at pagbebenta ng droga.
Ang magkakapatid ay inaresto noong Nobyembre 8, 2006 sa Brgy. Pinagbuhatan sa isang buy-bust operation.
Ayon sa SC, nabigo ang mga umarestong pulis sa magkakapatid sa istriktong pagtugon sa custody procedure at hindi rin naging maayos ang pagpresenta sa mga ebidensiyang nakuha laban sa mga akusado. (Juliet de Loza-Cudia)
The post 3 mag-uutol absuwelto sa drug case first appeared on Abante Tonite.
0 Comments