Aldridge swak sa 20K club

Miyembro na ng 20,000-point club sa NBA si LaMarcus Aldridge, nilista sa second half ang 17 sa kinamadang 21 points nang ayudahan ang Brooklyn Nets sa 105-98 panalo kontra dumayong Indiana Pacers sa Barclays Center.

Pasabog ng 29 points, 8 rebounds at 8 assists si James Harden, may 22 markers, 11 boards at 7 dimes din si Kevin Durant sa Nets.

Pampitong active player lang si Aldridge na nakatipon ng 20K points, 48th overall.

“He has scorer’s instincts,” ani Durant sa kanilang veteran big man. “Huge accomplishment … huge milestone.”

Nag-retire na si Aldridge bago natapos ang 2020-21 regular season dahil sa irregular heartbeat, pero nabigyan ng clearance at muling bumalik sa Brooklyn bago ang 2021-22 season.

Umabante pa ng hanggang 16 sa second quarter ang Pacers pero isinara ng Nets ang period sa 28-9 run para agawin ang lead 58-55 sa halftime. Inari ni Harden ang 13 sa stretch na ‘yun.

Nagsumite si Torrey Craig ng 28 points pero hindi naibalik sa laro ang Indiana. Umayuda ng 19 si Chris Duarte. (VE)

The post Aldridge swak sa 20K club first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments