Ex-UAAP judo MVP Tablan yumao na

Pumanaw na sa murang edad na 23-anyos si 2-time UAAP men’s judo MVP Dither Tablan nitong Biyernes.

Ayon sa ulat ay nasawi dulot ng cardiac arrest ang nasabing atleta, nabatid na sinubukan pang itakbo sa ospital si Dither ngunit dineklara na itong patay ganap na alas-10:15 ng gabi.

Nagmarka si Tablan sa UAAP partikular na sa eskuwelahan niyang UST nang bigyan niya ng apat na titulo ang Golden Judokas.

Sa loob rin ng apat na season ay namuno ito sa heavyweight division. (Aivan Episcope)

The post Ex-UAAP judo MVP Tablan yumao na first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments