‘Di bakunado, walang sahod kinakalkal

Naghain ng resolusyon ang mga miyembro ng Makabayan bloc nitong Martes upang paimbestigahan sa Kamara de Representantes ang ‘no vaccine, no pay’ policy na ipinatutupad umano sa ilang kompanya.

Pinunto ng Makabayan na ang patakarang nabanggit ay ‘discriminatory, illegal, and highly condemnable.’

Sa House Resolution 2309, sinabi ng grupo sa Committee on Labor and Employment na sa ilalim ng COVID-19 Vaccination Program Act (RA 11525) ay malinaw na hindi mandatory requirement ang vaccine card para sa eskuwelahan, trabaho at pakikipagtran­saksyon sa gobyerno.

Labag din anila sa ilalim ng Labor Code of the Philippines na ipitin ang sahod ng mga empleyado nang sapilitan o may pagbabanta. (Billy Begas/Eralyn Prado)

The post ‘Di bakunado, walang sahod kinakalkal first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments