Babuyan, manukan binawal sa QC

Ipinagbabawal na ng Quezon City government ang mga babuyan at manukan sa lungsod upang maprotektahan ang kalusugan ng mga residente.

Wala rin naman kasi umanong agricultural o rural zones sa lungsod para sa pig o poultry rai­sing.

Pero ayon sa QC LGU, pagkakalooban naman nila ng alternatibong pangkabuhayan ang mga maaapektuhang nagmamay-ari o ang mga residente na ang ikinabubuhay ay pagpapalaki ng mga baboy at manok.

“No piggery or poultry farms for the purposes of food or meat production should be allowed within the territorial jurisdiction of the city,” saad sa City Ordinance 2990-2020, na iniakda nina Councilors Franz Pumaren, Diorella Maria Sotto-Antonio at Eric Medina.

Base sa datos ng City Veterinary Department, 14 sa 17 barangay sa lungsod ang dating may backyard farms at piggeries subalit naipasara na ang mga ito. (Dolly Cabreza/Riz Dominguez)

The post Babuyan, manukan binawal sa QC first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments