Dingdong, Mother Lily sumuporta sa World Pandesal Day

NI: ROLDAN CASTRO

Bagamat taunang tradisyon ang pagbibigay ng libreng 70,000 pandesal at iba pang pagkain sa mga kapuspalad, ngayon ay magde-deliver ang Kamuning Bakery sa orphanages, diverse children’s shelters at urban poor communities.

Ang #WorldPandesalDay ay isang unique socio-civic at cultural endeavor.

Objective nito na mapunan ang kakulangan sa pagkain at kagutuman.

Sey ng GMA Network, Inc. Chairman and CEO Atty. na si Felipe L. Gozon.

“Today, we celebrate two important occasions—the World Pandesal Day and the 82nd anniversary of the Philippines’ home of delicious, artisanal bread—the Kamuning Bakery Café. Congratulations Wilson (Lee Flores) and team for shining the spotlight on our country’s humble yet popular bread and for celebrating by sharing your blessings with others.”

Kahit pandemya tuloy ang pagdiriwang ng #WorldPandesalDay sa October 16, Sabado, 10:00 ng umaga.

Gaganapin ito sa 82-year-old Kamuning Bakery Café.

Special guests sina Senator Sherwin Gatchalian, culture advocate Deputy Speaker Loren Legarda, urban renewal & food security advocate Quezon City Mayor Joy Belmonte at social justice advocate Atty.Neri Colmenares.

Nagpahatid din ng mensahe bilang suporta sa annual #WorldPandesal Day sina President Rodrigo R. Duterte, Senator Grace Poe, Senator Sonny Angara, Deputy Speaker Loren Legarda, Quezon City Mayor Joy Belmonte, at Regal Entertainment founder Mother Lily Y. Monteverde.

Makikiisa rin si Dingdong Dantes sa nasabing okasyon.Tutulong siya na maipamudmod ang free breads at foods.

Samantala, kahit may krisis, nag-donate ang Kamuning Bakery Café ng new public school buildings sa Barangay Dinalaoan Elementary School sa Calasiao, Pangasinan katuwang ang Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII). Ganoon din sa Sta. Rosa Elementary School sa Balangiga town, Eastern Samar province at sa Villa Bacolor Elementary School sa Tarlac, Tarlac province.

Para sa ibang detalye tumawag kay Wilson Lee Flores sa 09188077777 at 09178481818.

The post Dingdong, Mother Lily sumuporta sa World Pandesal Day first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments