Ilang araw matapos ang paghain nito ng certificate of nomination and acceptance (CONA) para sa May 2022 election, bumiyahe patungo sa Queen City of the South ang Bayaning Tsuper (BTS) party-list para sa pagkomisyon ng service vehicle na nakalaan sa persons with disabilities (PWD).
Nirerepresenta ng party-list sa Kongreso ang mga transportation worker at sinusulong rin ang pagkakaroon ng road safety governance at edukasyon hinggil dito.
Ayon kay Atty. Aminola ‘Alex’ Abaton, BTS party-list first nominee, nais nilang makakuha ng puwesto sa Kongreso upang matugunan ang mga problema sa road safety.
Gusto rin umano nilang matulungan ang mga espesyal na sektor sa komunidad tulad ng mga PWD kaya sila nagkomisyon ng service vehicle para sa mga ito sa Cebu.
Ang nasabing sasakyan ay libreng magagamit ng mga PWD bilang transportasyon.
The post Bayaning Tsuper seserbisyo sa mga PWD first appeared on Abante Tonite.
0 Comments