Pinahuhubaran ng isang kongresista ang sistema sa presyuhan ng mga oil company sa kanilang mga produktong petrolyo.
Bunsod ito ng wala nang tigil na taas-presyo ng petrolyo.
Giit ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate, tigilan na ng mga kompanya ng langis ang pagharang sa mga hakbang para malaman ang kompyutasyon sa mga ipinatupad nitong presyo ng mga produktong petrolyo.
Sa pamamagitan lamang nito ay malaman ang naging batayan sa presyuhan ng langis at mapairal ang transparency ng mga kompanya.
Sa ngayon ay wala umanong nakakaalam sa aktuwal na gastos ng mga kompanya sa bentahan ng petrolyo tulad ng refining cost, storage, transportation, salaries at advertising cost. (Eralyn Prado)
The post Diskarte ng mga oil firm pinalalantad first appeared on Abante Tonite.
0 Comments