DOT balak ilibre mga turista sa swab test

Para makaakit ng mas maraming turista, bina­balak ng Department of Tourism (DOT) na mag­bigay ng libreng COVID-19 swab test sa mga ito.

Sa kasalukuyan, maaaring maka-discount ng swab test ang mga biyaherong mula sa Metro Manila sa halagang P750 sa Philippine Children’s Medical Center, mula sa orihinal na presyong P3,577.

“Our subsidy with the PCMC is continuous. If things go as planned, we’ve been asking permis­sion if we could subsidize everything, make it zero already,” lahad ni DOT Sec. Bernadette Romulo-Puyat sa isang panayam.

Samantala, target umano ng kagawaran na mabakunahan ang 100% ng mga tourist worker bago ang Kapaskuhan.

Sa ngayon, sabi ng kalihim, 65% na ng mga tourism worker sa Pilipinas ang bakunado laban sa coronavirus. (Issa Santiago)

The post DOT balak ilibre mga turista sa swab test first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments