Mananagot ang sinumang tatanggap o bibili ng boto sa pamamagitan ng electronic transfer.
Ito ang iginiit ni Commission on Elections spokesperson James Jimenez, matapos magbigay ng pahayag si Vice President Leni Robredo, isang kandidato sa pagka-pangulo, na nagsabing maaaring tumanggap ng pera mula sa isang tatakbo pero iboto lamang ang nais na kandidato.
Base pa sa pahayag ni Robredo, kadalasang nagaganap na ngayon ang digital vote-buying. Karamihan aniya sa mga kandidato ay hindi gumagamit ng sarili nilang pera sa pagbili ng boto.
“I disagree with the notion of taking the money and voting according to your conscience. Vote buying is an election offense regardless of financial situation or noble intentions,” ayon sa tweet ni Jimenez.
“‘Di dapat ginagawa, at ‘di dapat sina-suggest ‘yan sa mga botante,” dagdag niya.
Ang vote-buying at vote-selling ay kinokonsiderang isang election offense sa ilalim ng Section 261 ng Omnibus Election Code. (Vick Aquino)
The post Kandidatong bibili ng boto yari sa Comelec first appeared on Abante Tonite.
0 Comments