Ilang ospital damay sa Maynila water interruption

Maging ang ilang mga ospital na kustomer ng Maynilad ay apektado rin ng malawakang pagkawala ng tubig na magsisimula sa Lunes, Oktubre 25.

Ayon sa Maynilad, papalitan ang malaking tubo sa kanto ng Sobriedad at Cristobal St. sa Sampaloc, Maynila upang bigyang-daan ang drainage line para sa flood control project ng Department of Public Works and Highways.

Nabatid na kabilang ang ospital ng University of Sto. Tomas (UST) sa mga apek­tado sa tatlong araw na water interruption. Maging ang Southern Tagalog Regional Hospital sa Bacoor, Cavite ay mahigit 30 oras din mawawalan ng tubig simula Lunes.

Giit ng pamunuan ng UST Hospital, malaki ang pangangailangan nila sa tubig para sa kanilang ope­rations lalo’t tinatayang mahigit 200 pasyente kada araw ang sineserbisyuhan nila.

Ayon naman sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office, magde-deploy sila ng tatlong fire truck para magsuplay ng tubig at ang kanilang uunahin ay ang mga maaapektuhang pagamutan at medical faci­lity. (Dolly Cabreza)

The post Ilang ospital damay sa Maynila water interruption first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments