Justice for Bree Jonson binutata lusaw drug case: Ongpin bulukin sa selda!

Kinondena ng mga nakiisa sa “Justice for Bree Jonson” ang ginawang pagpapabasura ni Julian Ongpin sa isinampang kaso laban sa kanya sa Regional Trial Court ng San Fernando, La Union.

Si Ongpin ang kasama ni Jonson sa isang hostel room sa La Union noong Setyembre 18 kung saan natagpuan ang walang buhay na katawan ng visual artist. Sinasabing magdyowa ang dalawa.

Samantala, ang San Juan, La Union Police ang naghain ng kasong possession of illegal drugs laban kay Ongpin, na person of interest sa pagpanaw ni Jonson. Non-bailable ang kasong isasampa.

Sa 19-pahinang omnibus motion, hiniling ng anak ni dating trade minister at bilyonaryo Roberto Ongpin na huwag mag-isyu ang korte ng warrant of arrest at kaagad na i-dismiss ang kaso dahil aniya sa kawalan ng matibay na ebidensya.

“Julian Ongpin is not an exemption to the law… he should rot in jail. Let the truth come out and may justice prevail,” ayon kay Crisanta Maraña ng Justice for Bree Jonson, isang tribute page para sa nasawing 30-anyos na babae.

Umaasa ang grupo na sa kabila na mayaman at maimpluwensya ang pamilya Ongpin ay magiging patas ang batas sa bansa at makakamit ni Jonson ang hustisya.

Sa kanyang mosyon, sinabi ni Ongpin na kinatawan ng kanyang abogado na si Atty. Dennis Manalo na ang 12.6 gramo ng cocaine ay hindi nakuha ng mga pulis sa kanya at na duda siya sa integridad ng lokal na pulis sa pagkolekta ng ebidensya.

Gayundin, binatikos niya ang Department of Justice dahil mas nauna pa umano na mailathala ang pagsasampa ng kaso laban sa kanya kaysa sa makakuha siya ng kopya ng resolusyon. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Justice for Bree Jonson binutata lusaw drug case: Ongpin bulukin sa selda! first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments