Nais ni Senador Panfilo `Ping’ Lacson na magkaroon ng pagbabago sa sistema ng edukasyon sa bansa upang maituwid ang `mindset’ ng mga kabataan at ikonsidera ang pagkuha ng mga kursong may kinalaman sa agrikultura.
Sa kanyang pagharap sa mga business leader sa isang presidential economic forum Sabado ng gabi, sinabi ni Lacson na makabubuting bigyang-pansin din ng mga estudyante ang mga kurso na magpapaunlad sa agriculture sector sa halip na magpokus lang sa liberal arts.
“Lagi na lang mga liberal arts `yong focus ng ating mga kabataan. Bakit hindi natin ihain ang bagong konsepto sa mga SUC (state college and university), lalo na `yong mga nasa agricultural areas sa bansa at mag-focus na lang doon sa mga kursong may kinalaman sa agrikultura,” ani Lacson.
Gusto ng senador na mabago aniya ang pag-iisip ng mga kabataan na mahihirap ang mga magsasaka.
“Dito lang sa Pilipinas may kaisipan na kapag magsasaka ay mahirap. Pumunta ka sa Estados Unidos, punta ka sa Europe, ang mga magsasaka ang pinakamayayaman sa kanilang komunidad,” ani Lacson.
“Dapat baguhin natin ang ganitong mindset. Nakakapangamba ito, `yong growth mindset ng ating mga kabataan ay natatapos sa edad na 15,” aniya pa.
Ipinaliwanag ni Lacson na base anya ito sa isang pag-aaral na tumutukoy na 31 porsiyento lamang ng mga kabataang Pilipino na edad 15 pataas ang may planong mapaunlad ang sarili sa pamamagitan ng edukasyon, habang ang 69 porsiyento naman ay walang balak makapagtapos ng pag-aaral.
The post Lacson bubuksan isip ng mga estudyante sa agri first appeared on Abante Tonite.
0 Comments