Inihayag ng isang opisyal ng Commission on Elections (Comelec) kahapon na posible pa rin makatakbo sa eleksyon ang isang indibiduwal kahit convicted na ito sa krimen.
Sa tweet ni Comelec spokesperson James Jimenez, sinabi nito na para ma-disqualify ang isang tao sa pagtakbo, kailangang masentensyahan ito ng higit 18 buwan na pagkabilanggo.
Kailangan din na ang krimen na ginawa nito ay maituturing na ‘moral turpitude’, na ibig sabihin ay imoral o labag sa ethics.
“To be DQ’d, there must be a conviction for a crime involving moral turpitude (not all crimes do), or a sentence to a penalty of more than 18 months,” wika ni Jimenez.
Lahad ng Comelec spokesperson, ang Korte Suprema ang maghahatol kung ang krimen na ginawa ng isang tao ay maituturing na `moral turpitude’.
The post Comelec: Kahit kriminal puwede pa tumakbo first appeared on Abante Tonite.
0 Comments