Aabot sa 17 pamilya ang nawalan ng bahay sa pagguho ng lupa sa Baran­gay Poblacion, Bakun, Benguet bun­sod ng masamang panahong dala ng bagyong ‘Maring’.

Ayon sa Benguet Disaster Risk Re­duction Office (BDRRO) kahapon, umabot sa 15 bahay ang nadamay sa pagguho, na nagdulot din ng pinsala sa bahagi ng barangay hall.

Sinabi ng ahensiya, kasalukuyang na­kikitira sa bahay ng mga kaanak at kapit­bahay ang mga apektadong pamilya.

Napag-alaman na napagigitnaan ang Bakun ng tatlong bundok, kasama ang Mount Kabunian sa nasabing lala­wigan.

Ayon kay Osias Mateo Jr., chairper­son ng Barangay Poblacion, gagamitin nila ang supplemental budget para bu­mili ng mga kailangan sa clinic at titing­nan kung may maisasalba ring gamit.

Samantala, ayon kay Bakun Mayor Bill Raymundo, plano niyang hilingin ang pagdedeklara ng state of calamity para matulungan ang kanilang bayan na maka-recover agad.

Sa ngayon, ayon sa alkalde, hindi pa muna tumatanggap ng bisita ang naturang bayan. (Allan Bergonia)

The post Lupa gumuho, 17 pamilya nawalan ng haybol first appeared on Abante Tonite.