Nakatuon ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran ng bansa, lalo na sa Mindanao, ayon sa isang senador.
“Importante sa amin ni Pangulong Duterte ang kapayapaan, lalo na sa Mindanao. Wala na po dapat na patayan. Sino ba namang gustong magpatayan Pilipino laban sa kapwa Pilipino? Masakit ‘yon,” sabi ni Senador Bong Go.
Noong Sabado, dumalo ang senador at pangulo sa commemoration activity sa Rizal park sa Marawi, Lanao del Sur para sa ikaapat na taong anibersaryo ng kalayaan sa Marawi mula sa kamay ng mga terorista na kumubkob sa lungsod noong 2017.
Sa kanyang talumpati, pinuri ni Duterte ang Task Force Bangon Marawi sa kanilang serbisyo at sakripisyo, at ang rehabilitation team, mga lokal na lider at iba pang mga stakeholder sa muling pagtatayo ng Grand Mosque ng Marawi. (Dindo Matining)
The post Marawi sige ang pagbangon – Go first appeared on Abante Tonite.
0 Comments