Mas suwertihin sa susunod

Sablay sina Pauline del Rosario at Abegail ‘Abby’ Arevalo sa $150K (P7.6M) Ladies Professional Golf Association Tour Qualifying School Stage 3 (Final) Series sa Robert Trent Jones Golf Trail sa Alabama sa parating na Nov. 29-Dec. 12.

Tumapos si Del Rosario, 22, sa 10-way- tie sa 75th place sa 179 entries mula sa 37 bansa sa wakas ng LPGA Tour-Symetra Tour Qualifying School Stage 2 sa Panther at Bobcat Courses ng Plantation Golf & Country Club sa Venice, Florida nitong Linggo (Lunes sa Manila).

May mga linya siyang 71-73-78-68 para sa two-over par 290 at makuntento na lang na makakapaglaro sa United tates second-tier 17th ST 2022.

Nasa joint 115th spot naman ang isa pang pambato ng ‘Pinas na si Arevalo sa 71-72-77-74 (294) upang mabigo ring samahan ang mga kakuwadra nila sa ICTSI na sina Bianca Isabel Pagdanganan at Dottie Ardina sa Alabama two-phase 144-hole tournament.

May 37 na nasa Top 45 and Ties ang mga sumulong sa finals. Top 45 at ties din sa finals ang mga makakapaglaro sa world’s premier ladies pro circuit (73rd LPGA Tour 2022).

Better luck next time na lang Pauline & Abby!

***

Hanggang sa susunod pong Martes mga Ka-TP, ka-Abante TONITE .

Sa mga gusto pong magtanong o magkomento, mag-email lang po kayo sa ramilcruz2003@gmail.com, ramilcruz2003@yahoo.com. Puwede rin pong mag-tweet sa @RamilCruz2003.

Dalangin ko rin pong matapos na ang Covid-19. God bless!

The post Mas suwertihin sa susunod first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments