
Patay ang isang ginang na empleyado ng San Carlos City, Negros Occidental local government unit (LGU) matapos barilin sa ulo ng hindi pa kilalang riding-in-tandem habang lulan ng tricycle, Lunes sa nabatid na lungsod.
Idineklarang dead on arrival sa pinagsugurang San Carlos City Hospital ang biktimang nakilalang si Maria Elena Belos Peque, 40-anyos, job order worker ng San Carlos City Hall at residente ng San Julio Subdivision, Brgy. 2 ng nasabing lungsod.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente Oktubre 18 ng umaga habang lulan ng tricycle ang biktima at papasok sana sa San Carlos City hall nang sabayan ng isang motorsiklo lulan ang mga suspek ang sinasakyan nito at barilin sa ulo ang nauna.
Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang mga suspek.
Lumalabas sa ulat ng pulisya na nauna nang pinatay ng hindi pa rin kilalang suspek ang asawa ng biktima nitong nakaraang buwan.
Isa sa motibong tinitignan ng pulisya sa krimen ay away sa lupa. (Edwin Balasa)
The post Matapos ang mister: City hall employee binoga ng tandem first appeared on Abante Tonite.
0 Comments