Miyembro ng LGBTQ kulong sa sextortion

TIMBOG ang isang miyembro umano ng LGBTQ+ community sa Bacolod City nang ireklamo ng isang binatilyo na ipapakalat ang larawan ng maseselang bahagi ng kanyang katawan kapag tumanggi na makipagkita at magtalik sila.

Naaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang suspek na si Alyas Jun, sa entrapment operation sa isang kainan.

Nagkunwari umanong pumayag ang 17-anyos na biktima na makipagkita sa suspek at doon na siya naaresto.
Kinuha ang cellphone ng suspek kung saan naroon ang sensitibong larawan ng biktima.

May itinatago rin ito na audio recording na maririnig ang pagtatalik nila ng biktima. Sinabi ng biktima na bukod sa hindi niya alam ay wala itong pahintulot.

Sinabi naman ni Atty. Renoir Baldovino, Agent in Chief, NBI-Bacolod, na nagkakilala ang dalawa noong isang taon sa online.

Sa imbestigasyon, sinamantala ng suspek ang kagipitan ng binatilyo na nais magkaroon ng bagong cellphone.
Dito siya inalok ng suspek at sinabing magbibigay siya ng cellphone kapalit ng pagtatalik nila. Binigyan ang biktima ng P2,000 pero walang cellphone.

Sinubukan ulit makipagkita umano ng suspek, pero tumanggi na ang biktima kayat doon na ito tinakot. (Kiko Cueto)

The post Miyembro ng LGBTQ kulong sa sextortion first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments