Sa ‘di na mabilang na pagkakataon ay muli akong binigyan ng aking mga katrabaho sa Manila City Hall ng dahilan upang sila ay aking ipagmalaki.
Ito ay matapos muling humakot ng mga parangal ang pamahalaang-lungsod ng Maynila, mula naman sa Department of Information and Communications Technology (DICT). Ito ay para sa hamak naming pagsisikap upang magtatag ng episyenteng sistema at ‘approach’ pagdating sa aspeto ng edukasyon, pandemya at pagnenegosyo sa lungsod ng Maynila.
Sa katatapos lamang na Digital Governance Awards (DGA) 2021, ang lungsod ng Maynila ay pinarangalan bilang Best in Customer Empowerment Award for ‘Connection for Inclusion’ (first place, city level); Best in LGU Empowerment Award for its COVID-19 Testing Center Web Lab-IS (first place, city level) at Best in Business Empowerment Award for its GO Manila App end-to-end solution (2nd place, city level).
Ang DGA ay taunang paghahanap ng ‘best practices’ sa mga local government units, gamit ang information and communications technology (ICT) upang epektibo at maayos na maipaabot ang mga serbisyong publiko nito sa kanyang mga nasasakupan at business stakeholders. Ito ay inorganisa ng ICT Industry Development Bureau (IIDB) ng DICT, sa pakikipag-ugnayan sa Department of Interior and Local Government (DILG) at sa National ICT Confederation of the Philippines (NICP).
Mula sa kaibuturan ng aking puso at sa ngalan ng aking mga kasamahan san City Hall at mga Batang Maynila, nagpapasalamat po kami sa DICT para sa nasabing talong parangan na iginawad sa pamahalaang-lungsod ng Maynila. Tinitiyak ko po na ang pagkilalang ito ay magsisilbing inspirasyon upang higit kaming magbuti pagdting sa pagbibigay ng serbisyo sa mga taga-Maynila at sa mga mamumuhunan nito.
Para sa unang award, partikular kong pinasasalamatan si Divison of City Schools Superintendent Magdalena Lim para sa episyenteng pamamahagi ng mga libreng tablets, laptops at 20gb bandwidth sa libo-libong mag-aaral at guro mula sa aming mga pampublikong paaralan.
Ukol naman sa ikalawang award na aming natanggap, pinapupurihan ko at pinasasalamatan si Sta. Hospital Director Dr. Grace Padilla at lahat ng kanyang medical at health frontliners para sa lahat ng kanilang pagsisikap at sakripisyo. Ibinabahagi ko din ang parangal na ito sa mga frontliners na naimpeksyon at nagbuwis ng kanilang buhay sa ngalan ng kanilang trabaho.
Ang aking taos-pusong pasasalamat sa kanilang lahat dahil sa kanilang pagbibigay ng ‘ultimate sacrifice’ sa parehong paraan kung saan ang aming mga health at medical frontliners ay patuloy na hinaharap ang panganib ng impeksyon mailigtas lamang ang buhay ng iba.
Lubha kong ipinagmamalaki ang lahat ng mga taonga king nabanggit at siyempre pa, si Dr. Padilla, para sa kanyang magaling na pamamahala ng data at communication system ng COVID-19 testing center ng lungsod na nasa Sta. Ana Hospital.
Salamat rin ng marami kay Bureau of Permis and Licensing Office head Levi Facundo at Electronic Data Processing chief Fortune Palileo. Ang kanilang walang kapantay na galing at dedikasyon sa trabaho ay mga dahilan kung bakit nagawaran ang pamahalaang-Maynila ng ikatlong nasabing award. Sa pamamagitan ng kanilang pagsisikap ay nagtagumpay ang lungsod na gawing madali at magaan ang proseso ng pagnenegosyo sa lungsod.At siyempre pa, ang aking espesyal na pasasalamat at pagbibigay kredito sa aking walang pagod na working partner, Vice Mayor Honey Lacuna at sa lahat ng miyembro ng Manila City Council. Sa pamamagitan ng kanilang buo at walang sawang suporta, lahat ng aking ambisyon at pangarap para sa Maynila ay aming nakamit sa loob lamang ng maikling panahon.
Bilang Presiding Officer ng Manila City Council, naging epektibo ang tulong ni Vice Mayor Honey at mga konsehal para sa agarang pagpasa ng mga ordinansa na kailangan sa ilang programa na aking isinusulong.
Congratulations sa lungsod, sa Team Manila at sa lahat ng Batang Maynila. Ang mga parangal na ito ay para at dahil sa inyo. Talagang sa pagkakaisa, lahat ay maaring makamit.
Gaya ng paulit-ulit kong sinasabi, kailangan ko ang tulong ninyong lahat. Walang magmamalasakit sa Maynila kundi tayo ding mga Batang Maynila. Manila, God first!
For updates on latest developments in the city of Manila, please visit my Facebook account— ‘Isko Moreno Domagoso.’
The post Salamat DICT sa mga ginawad na parangal sa Maynila first appeared on Abante Tonite.
0 Comments