Mas maraming gumaling kumpara sa bilang ng mga namatay dahil sa COVID-19 pandemic sa bansa kung saan lumobo na ang mga nakarekober sa 2,6988,871, ayon sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH) kahapon.
Sa DOH COVID-19 Case Bulletin No. 596 na inilabas nitong Linggo, Oktubre 31, ang naturang bilang ng mga gumaling ay 96.8% ng kabuuang kaso ng coronavirus sa buong bansa na nasa 2,787,276.
Ayon pa sa DOH, bahagya pang bumaba sa 3,410 ang naitala na mga bagong kaso hanggang kahapon ng hapon.
Nakapagtala naman ng 5,825 na mga bagong nakarekober habang 128 ang nasawi dahilan para umakyat sa 43,172 ang kabuuang bilang ng mga namatay sa virus.
Patuloy din ang pagbaba ng mga aktibong kaso na nasa 45,233 na lamang o 1.6% ng kabuuang bilang ng mga COVID case.
Samantala, nasa 30 duplicate case ang inalis umano ng DOH sa total case count kabilang ditto ang 25 nakarekober.
Habang 91 pasyente na unang tinukoy na gumaling ang napag-alaman sa beripikasyon na nasawi pala.
Ayon sa DOH, lahat ng laboratoryo ay operational noong Oktubre 29 habang mayroong apat na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System. (Juliet de Loza-Cudia)
The post DOH: Mga COVID survivor lumobo sa 2.6M first appeared on Abante Tonite.
0 Comments