
Nanganak ang isang 12-anyos na babae sa United Kingdom kung saan ang kanyang isinilang ay bunga ng panggagahasa sa kanya ng kanyang sariling kuya.
Ayon sa nakalap na impormasyon ng korte kamakailan, 11-anyos lamang ang dalagita nang halayin siya ng kanyang 14-anyos na kapatid sa loob ng kanila mismong bahay.
Dagdag pa ng Swansea Crown Court, magulo ang tahanan ng magkapatid kung saan kinukunsinti lamang ng kanilang mga magulang ang nasabing kababuyan.
Sa pahayag naman ng prosekusyon na dumedepensa sa biktima, kamakailan ay sinugod ang dalaga sa ospital dahil sa pananakit ng tiyan.
Ngunit matapos ang ilang oras ay nagsilang ito ng sanggol.
Nang tanungin ang biktima kung may nakasiping ay wala siyang naisagot.
Kuwento naman ng suspek, na ngayo’y 16-anyos na, ‘naghaharutan’ lamang sila ng kapatid habang wala sa bahay ang kanilang mga magulang.
Umabot raw sa kanilang higaan ang paghaharutan hanggang sa mauwi ito sa halikan at pagsisiping.
Nag-plead guilty na rin ang suspek na kuya para sa two counts ng statutory rape. (Mark Joven Delantar)
The post 12-anyos inanakan ni kuya first appeared on Abante Tonite.
0 Comments