Mga money laundering network bubuwagin ng PDEA, AMLC

Magtutulong ang Philippine Drug Enforce­ment Agency (PDEA) at ang Anti-Money Laun­dering Council (AMLC) upang buwagin ang mga drug money laundering network sa bansa.

Kasunod na rin ito ng pormal na pag-deputize ng AMLC sa mga tauhan ng PDEA upang maging financial investigators nito, sa isang seremonya sa national headquarters ng PDEA nitong Hu­webes ng umaga.

Ang PDEA Deputized Anti-Money Laundering Council Financial Investigators ay mga PDEA per­sonnel na inatasang mag-imbestiga sa mga finan­cial instrument, gaya ng bank accounts at insurance policies, na ginagamit sa money laundering.

Nabatid na ang financial investigations ay isi­nasagawa ng AMLC sa mga kaduda-dudang tran­saksyon, money laundering at terrorism financing activities at mga paglabag sa Anti-Money Laundering Act. (Dolly Cabreza)

The post Mga money laundering network bubuwagin ng PDEA, AMLC first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments