Aktor binuking ang P24M ‘utang’ ng tumatakbong alkalde

Napapailing ang isang actor sa isang tumatakbong alkalde sa isang probinsya. Paano raw magiging lider ang isang aspirant politician na umano’y may ‘utang’ na P24M?

Hinahabol siya ngayon ng kanyang supplier sa semento dahil hindi pa umano niya binabayaran. Nagse-service ang construction business ng tumatakbong mayor sa isang malaking mall sa ‘Pinas.

Gagastusin ba ng aspirant politician sa kampanya ang kanyang salapi kaya hindi niya maharap ang kanyang responsibilidad na dapat bayaran?

Aktibo siya sa damayan sa kanilang bayan at nagbibigay ng pag-asa sa kanyang kalugar pero tila may nakakaligtaan naman siya sa pagtugon sa kanyang obligasyon.

Sey pa ng aktor, sana raw unahin ng aspirant politician na ayusin ang mga naghahabol sa kanyang ‘pinagkakautangan’ bago ibuhos ang pagmamalasakit sa kanyang mga kababayan.

Ayusin na niya ang dapat ayusin bago pa siya mabulabog sa oras ng kampanya. (ART)

The post Aktor binuking ang P24M ‘utang’ ng tumatakbong alkalde first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments