Malacañang abangers sa emergency power: PBBM ikinasa 4-day work week sa mga opisina ng gobyerno

Inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pansamantalang ipatutupad ang 4-day work week sa ilang tanggapan ng pamahalaan simula sa Lunes, Marso 9.

Sa kanyang video message nitong Biyernes, Marso 6, inilatag niya ang mga ginagawang hakbang ng pamahalaan upang protektahan ang mga Pilipino at ihanda ang bansa sa posibleng epekto ng pagtaas ng presyo ng langis dulot ng kaguluhan sa Gitnang Silangan.

Ayon sa Pangulo, ilang opisina sa Executive department ay magpapatupad ng apat na araw na pasok kada linggo upang makatulong sa pagtitipid ng enerhiya kasunod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo at ng tumitinding tensiyon sa Gitnang Silangan.

“Hindi kabilang dito ang mga nagbibigay ng emergency o pangunahing serbisyo,” paglilinaw niya.

Kabilang sa mga hindi saklaw ng 4-day work week ang mga pulis, bumbero, at mga opisina na nagsisilbing frontline sa mga serbisyo ng gobyerno.

Sa kanyang mensahe sa mga Pilipino, sinabi ni Pangulong Marcos na nagambala ng giyera sa Gitnang Silangan ang global oil supply, partikular ang mga oil tanker na dumadaan sa Strait of Hormuz, na isa sa pinaka-kritikal na oil shipping routes sa mundo.

“Kapag may kaguluhan sa rehiyong iyon, gumagalaw ang presyo ng langis. Gumagalaw ang presyo ng kuryente. Gumagalaw ang presyo ng lahat ng bilihin,” ayon sa kanya.

Ibinabala niya ang nakaambang taas-presyo ng petrolyo sa susunod na linggo.

“Malinaw sa atin ang tanong ng maraming Pilipino ngayon: Ano ang gagawin ng pamahalaan? Naghahanda na po tayo,” ayon sa Pangulo.

Upang tugunan ang sitwasyon, sinabi ni Pangulong Marcos na may koordinasyon na sila sa Kongreso upang mabigyan siya ng pansamantalang kapangyarihan para bawasan ang excise tax sa mga produktong petrolyo kapag pumalo ang global oil prices sa US$80 per barrel.

“Nakikipag-ugnayan na tayo sa Kongreso upang mapagkalooban ang Pangulo ng pansamantalang kapangyarihan upang bawasan ang excise tax sa mga produktong petrolyo kung papalo ito sa US$80 kada barrel,” wika ng Pangulo base sa inilabas na pahayag ng Malacañang.

Magbibigay na rin aniya ng fuel subsidy at cash transfer sa mga sektor na pinakaapektado ng pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Tiniyak din niya na binabantayan ng mga awtoridad ang market prices para mapigilan ang profiteering at hoarding ng mga mapagsamantalang negosyante.

Patuloy din aniya na tinututukan ng pamahalaan ang kondisyon ng mga Pilipino sa Gitnang Silangan at ikinakasa na rin ang posibleng pagpapauwi sa mga kababayan na nais bumalik sa bansa.

“Para sa ating mga kababayan sa Gitnang Silangan, inihahanda na ang transportasyon at tinitiyak ang mga exit points upang sa sandaling maging ligtas ang pagbiyahe, agad silang mailikas at maiuwi sa Pilipinas,” ayon pa kay Pangulong Marcos. (Issa Santiago)

The post Malacañang abangers sa emergency power: PBBM ikinasa 4-day work week sa mga opisina ng gobyerno first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments