Tulong ng pribadong sektor

Mainit pa rin ang isyu sa nakatakdang pagpapalit ng citizenship ni Yuka Saso pagsapit niya ng 22 taon sa 2023 o mas maaga pa.

Masasabing ‘Pinas ang nagsaing para maging international women’s golf star ang top Philippine pro. Kinalinga siya mula junior golfer pa lang ng International Container Terminal Services, Inc. ng bilyonaryong si Don Enrique Anselmo ‘Ricky’ K. Razon Jr.

At parang ang Japan ang kakain kapag nagpasya na si Saso na ang Land of the Rising Sun flag na ang dadalhin niya sa kanyang mga kasuotan at sa mga paligsahan.

Masaklap ang hakbang ni Saso at pamilya niya sa Tokyo. Pero kasama ang TP sa mga nakakaunawa sa pasya niya.

Una riyan ang sandamakmak niyang makukuhang sponsorship sa Japan. Hindi lang 1-2-3-4-5 o higit pa lalo’t sikat na siya.

Sa ‘Pinas ang ICTSI lang ang sumusporta sa women’s golf sa matagal na ring panahon.

Kailangan ng golf at maging ng iba pang sports ang tulong ng pribadong sektor, ng mga negosyante para may mga lumabas pang bagong Saso. Umangat ang mga atleta natin.

The post Tulong ng pribadong sektor first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments