Alex nawalan ng ganang mag-travel

NI: ARCHIE LIAO

Sa mga artista, si Alex Gonzaga ang itinuturing na isa sa mga pinakamayaman among celebrity vloggers.

As of date, meron na kasi siyang 11.5 million subscribers sa kanyang YouTube channel.

Kung earnings niya as a social media influencer ang pagbabatayan, afford na niyang mabuhay nang komportable kahit hindi na siya rumaket sa pag-aartista.

Pero, marami ang bumilib sa pagiging praktikal niya sa panahon ng pandemya.

Sa kanya kasing Instagram account, nag-emote siya tungkol sa kanyang pagka-miss sa pagliliwaliw.

Ipinost niya ang throwback pic niya noong panahong rumarampa siya sa New York sa Estados Unidos.

May caption itong : “Watched my NYC vlog again and i just miss traveling so bad. So nagcheck ako ng budget at ang bilis! Biglang di ko na pala namimiss.”

May ilan namang nang-uurot na napurdoy na raw yata ang aktres.

Depensa naman ng ilan, naging praktikal at wais na misis lang daw ito mula nang mag-asawa.

Agree rin ang followers niya na hindi pa praktikal na mag-travel sa ngayon kahit nagluwag na ng restrictions sa ilang panig ng mundo.

Naiintindihan naman ng iba ang hanash niya. Lalo pa’t prayoridad nito ang construction ng bahay nila ng kanyang mister na si Mikee Morada.

Wish naman ng ilang faney, sana raw ay makabuo muli ang mag-asawa pagkatapos ng miscarriage ng YouTuber.

The post Alex nawalan ng ganang mag-travel first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments