Pumalo na sa 40,419 ang bilang ng mga kabataang edad 12 hanggang 17 na may comorbidity at naturukan na laban sa COVID-19, batay sa tala ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkoles.
Ayon sa DOH, ang naturang bilang ay 3.18% ng target population na 1.2 milyon para sa mga batang may comorbidity sa bansa.
Ang pagtuturok sa naturang grupo ay inilarga noong Oktubre 15.
Samantala, ang pagbabakuna sa general population ng mga kabataan ay sinimulan na rin kahapon kung saan 11.4 milyon naman ang target na turukan.
Sa pahayag ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje, sinabi niyang plano ng pamahalaan na umabot sa 12.7 milyon ang kabuuang bilang ng mga kabataan na nabakunahan kontra coronavirus pagdating ng Disyembre. (Mark Joven Delantar)
The post Bakunadong bagets higit 40K na first appeared on Abante Tonite.
0 Comments