
Binatikos ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang anila’y kuwestyunableng pagpasok ng anim na pulis sa kanilang tanggapan sa Diliman, Quezon City noong Martes ng hapon.
Ayon kay TUCP Rep. Raymond Mendoza, pumasok nang walang permiso o courtesy request ang mga armadong pulis, kung saan ilan sa mga ito ay nakasibilyan, at arogante aniyang naglibot sa lugar.
Kinuhanan umano ng mga pulis ng litrato ang daily attendance list at tinanong ang isang staff kung nasaan ang mga opisyal ng TUCP at kung saan nakatira ang mga ito.
“This is a clear act of harassment intended to send a chilling message to the trade union movement and specifically to cow TUCP in its advocacy and union organizing work in both the private and public sectors,” ani Mendoza.
Ito na umano ang ikalimang beses na pinasok ng mga pulis ang TUCP Labor Center at may ganito ring naranasan ang kanilang mga kaalyado sa Mindanao. (Billy Begas)
The post Surpresang pagbisita ng pulisya sa TUCP binatikos first appeared on Abante Tonite.
0 Comments