
Sa bagong entry sa kanyang vlog, ibinahagi ng Kapuso actress na si Bea Alonzo ang “many firsts” sa kanyang buhay.
Ang first thought of the day daw niya ay kailangan niyang mag-work out dahil feeling niya ay marami siyang nakain noong nagdaang araw.
First audition fail daw niya ay sa isang commercial kung saan sinamahan lang daw niya ang isang friend.
First cruise raw niya ay isang Asian cruise kasama ang ex na si Zanjoe Marudo at ang kanyang mom many years ago.
First teleserye raw niyang pinanood ang MariMar ni Thalia na dubbed in Tagalog.
Hindi rin daw niya makakalimutan ang kanyang karanasan sa isang out-of-town taping .May bit part siya at pinagsuot ng Darna costume.
Bukod sa pinaghintay daw siya, kinabukasan na rin daw siya nakunan.
Excited pa naman daw siyang ipinamalita na artista na siya sa kanyang buong angkan at maging mga kaeskuwela.
Humiliating lang daw para sa kanya na na-edit out ang pinakakaabangan nilang eksena nang ipinalabas na ito sa TV na may ilang speaking lines siya.
First message daw niya sa kanyang younger self ang mag-enjoy, mag-relax at mag-slow down.
Aminado kasi siyang kumpara noong 18 years pa lang siya, less insecure na raw siya ngayon.
Dati raw kasi insecure siya sa kanyang hitsura at sa kanyang weight dahil dati siyang malusog.
Feeling din niya, late bloomer siya dahil ngayon na lamang niya natitikman ang mga bagay na dapat niyang ma-enjoy sa buhay.
First investment daw naman niya ang pagpapagawa ng apartments at buildings for rent.
First musical/theater experience raw niya ay nang manood siya ng Billy Elliot sa Broadway kasama sina Mr. M at Mariole Alberto.
Ito rin daw ang dahilan kaya nagkaroon siya ng interes na manood pa ng iba pang musical/theatrical productions.
Aminado rin siyang nasa bucket list din niya ang mag-teatro.
Hirit pa niya, gusto raw niyang subukan ang larangang ito pagkatapos ng pandemya.
Nash naiyak sa inis
Sa vlog ni Ogie Diaz, nilinaw ng Kapamilya actor na si Nash Aguas na hindi pera ang habol niya kaya pumasok siya sa politika.
Gusto raw niyang makatulong kaya raw siya nakumbinsing tumakbo bilang konsehal .
Unfair raw naman na nadya-judge siya sa kanyang mabuting intensyon na magbigay ng serbisyo publiko.
Napagtanto raw niya noong pandemya na maikli lang ang buhay .Importanteng may maiiwan kang legacy sa mga taong gusto mong baguhin ang buhay.
Kahit daw naman nawalan ng prangkisa ang ABS-CBN at nabawasan ang kanyang raket,may ramen business daw naman siyang pinagkukunan ng income .Sapat daw ito para mabuhay ng komportable ang kanyang pamilya.
Sa kanyang paglilibot, nawindang daw siya sa kalunos-lunos na kalagayan ng isang lolang nakadaupang palad niya. Nakatira ito sa isang barung-barong sa Cavite.
Noong nagbigay raw sila ng bigas, ipinakita nito ang baldado niyang mister na hindi niya mabilhan ng maintenance medicine.
Sa puntong ito, naging emosyonal na si Nash kaya natanong ito ni Ogie kung bakit ito umiiyak.
“Nainis kasi ako. Nainis ako kasi parang ang daming taong nakaupo, paano nila natitiis yun? Paano nila natitiis na nakawin pa yung budget ng mga tao?”, sey ni Nash.
Si Nash ang boyfriend ni Mika dela Cruz, ang nakababatang kapatid ng Kapuso actress na si Angelika dela Cruz.
The post Bea pinaghintay sa taping first appeared on Abante Tonite.
0 Comments