
May kasabihan na ang ugali ng tao ay pinagbabago ng panahon kapag siya’y nagkakaedad na. Pero mukhang walang katotohanan ‘yun sa isang singer-actress na kilala sa pagiging suplada.
Nu’ng kasagsagan ng kanyang popularidad ay hindi lang ang mga kasamahan niya ang sobrang ilag na ilag sa kanyang kamalditahan kundi pati ang production staff ng kanyang mga shows.
Kuwento ng aming impormante, “Kasi nga, e, hindi lang kuwento-kuwento ang kamalditahan niya. Literal siyang maldita, as in! Napapansin niya ang lahat, perfectionist kasi siya kahit hindi naman siya perfect!
“Kunwari, may nagkamaling musician, talagang kokomprontahin niya ang member ng band, sasabihin niyang panira ang taong ‘yun sa kanyang concert!
“Hindi niya kakausapin ang musical director para sabihing pangaralan ang band member, siya talaga ang nagagalit at nagpapangaral sa musikero!
“Kaya ilag na ilag sa kanya ang buong production, pinakikialaman niya pati ang trabaho ng direktor! Siya ang dapat masunod sa mga shots!” naiinis na buwena-manong kuwento ng aming source.
Bukod sa nakasimangot na palagi ang singer-actress ay wala pa siyang pakisama sa kanyang mga katrabaho. Wala siyang PR, hindi siya nakikipag-usap kahit kanino, feel na feel niya ang pagiging reyna.
Patuloy ng aming source, “Kaya mahirap siyang ikuha ng mga guests sa concert niya. Tumatanggi ang marami niyang co-singers, kalat na kalat na kasi ang ugaling meron siya!
“Ganu’n din ang scenario nu’ng pasukin na niya ang pag-arte, isang malaking problema rin siya ng production, dahil pati ang script ng serye, e, pinakikialaman niya!
“Ayaw niyang sundin ang mga dialogues, kasi raw, e, may mga pamangkin siyang nanonood ng palabas, hindi na raw siya rerespetuhin ng mga pamangkin niya kapag binitiwan niya ang linyang kinukuwestiyon niya!
“Nagkakaedad na siya, kitang-kita na ang mga pileges niya, ‘no! Pero hanggang ngayon, e, malditics pa rin ang singer-actress!
“Bihira lang siyang ngumiti, kakambal niya ang pagsimangot, sa totoo lang! Kumbaga sa bulaklak, e, palagi siyang mukhang lantang-lanta na, luoy na, parang hindi siya nadidiligan!” inis pa ring pagtatapos ng aming impormante.
John Lloyd, Alden pagsasabungin
Bukas na gaganapin ang contract-signing ni John Lloyd Cruz sa GMA-7. Natural, isang grand welcome ang nakahanda para sa kanya mula sa pangunguna ng mga ehekutibo ng network, isa siyang karagdagan para sa istasyon.
Kuwento ng aming source ay natagalan lang ang pagpirma ng kontrata ng magaling na aktor dahil hindi pa plantsado ang mga gagawin niyang proyekto. Gusto nilang nakahanda na agad ‘yun para maisabay na nila sa contract-signing.
Si Willie Revillame ang unang nagbigay ng balita na may gagawing sitcom si Lloydie sa GMA-7 na si Direk Edgar Mortiz ang mamamahala. Meron din siyang nakalinyang gawing pelikula.
Sabi pa ng aming kausap, “Pero mauuna muna ang movie nina Bea Alonzo at Alden Richards, matagal nang nakakalendaryo ‘yun. Tatapusin lang muna ang airing ng continuation ng The World Between Us ni Alden.
“Akalain mo ‘yun? Ang isa sa pambentang tambalan ng ABS-CBN, e, nasa GMA-7 na ngayon? Wala talagang permanent at walang imposible,” opinyon pa ng aming source.
Natural lang na pagsabungin sina JLC at Alden Richards sa pagpasok ng aktor sa balwarteng pinaghaharian ng Pambansang Bae.
Pero hindi pa man nagaganap ang pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN ay palagi nang sinasabi ni Alden sa mga interbyu na idolo nito si John Lloyd.
Nasa isang network man sila ngayon ay wala pa ring punto para sila paglabanin dahil may kani-kanya naman silang talento at napatunayan na sa kanilang propesyon.
The post Singer-actress kakambal ng simangot first appeared on Abante Tonite.
0 Comments