Beal, Wizards alpas vs Mavs

Walang gustong bumitaw sa Wizards at Mavericks, naghatakan sa 21 lead changes at 12 deadlocks pero sa dulo ay nakakuha ng clinching 4 points si Kentavious Caldwell-Pope at itinakas ng Washington ang 120-114 panalo sa 2021-22 NBA regular season game Sabado ng gabi.

Nagtistis ng 26 points at 7 assists si Bradley Beal, kinamada ni Kyle Kuzma ang 10 sa kanyang 22 points sa fourth quarter para sa Wizards. Tumapos si Caldwell-Pope ng 16 points.

Kumubra ng 33 points, 10 assists si Luka Doncic pero talo ang Dallas sa pangalawang pagkakataon sa huling walong laro sa American Airlines Center sa Texas.

Dumikit sa dalawa ang Dallas sa 3-pointer ni Tim Hardaway Jr., sumagot si Caldwell-Pope ng 16-footer. Pasok ang jumper ni Doncic 116-112 Washington, inubos muna ni KCP ang oras bago na-foul ni Maxi Kleber 10 seconds na lang.

Pasok ang dalawang charities ni Caldwell-Pope, dinagdagan ng dalawa din ni Kuzma matapos tumalbog sa rim ang malayong 3-pointer ni Doncic. (Vladi Eduarte)

The post Beal, Wizards alpas vs Mavs first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments