
Balanseng opensiba ang pinakita ng BYB Kapatagan sa pagbibida ni KD Ariar kontra Globalport-MisOr upang maipuslit ang 65-63 win sa Chooks-to-Go 1st Pilipinas VisMin Super Cup 2021 Mindanao Challenge eliminations Linggo ng gabi sa Pagadian City Gymnasium sa Zamboanga Del Sur.
Ni isa sa Buffalos walang kumubra ng double-digit, pero pinaepektibo ang bangis ni KD Ariar sa tiniradang 9 points sahog pa ang 6 rebounds upang ibigay sa koponan ang 3-game win streak at 3-2 slate sa season-ending conference.
Mahalaga rin ang limitadong 5 puntos ni Richard Kwong dahil iyon ang nagbigay ng kalamangan sa nilistang 5-2 run upang iabante ang Buffalos sa natitirang 17.7 segundo ng salpukan.
‘Di naman naging epektibo ang tig-12 markers nina Reil Cervantes at Joel Lee Yu upang maisalba ang MisOr na nakatulad ang baraha ng winning camp. (Aivan Episcope)
0 Comments