Carla, Tom gagawa agad ng baby

NI: VINIA VIVAR

Ngayong tapos na ang kasal, ang pagkakaroon ng anak na agad ang goal nina Carla Abellana at Tom Rodriguez.

“Agad,” ang pagkumpirma ni Tom sa panayam nilang mag-asawa sa 24 Oras.

Sabi naman ni Carla, “It’s not something that we honestly don’t want to delay. Kasi isa rin ‘yon of course sa reasons kung ba’t gusto na naming magpakasal.”

Ang honeymoon ang medyo made-delay at baka raw sa 2022 pa nila ito magagawa pagkatapos ng kani-kanilang projects. Si Carla ay napapanood sa To Have and to Hold habang si Tom naman ay kasama sa The World Between Us na malapit nang magbalik sa ere.

Matatandaang ikinasal sina Tom at Carla last October 23 at masayang-masaya ang mag-asawa na matagumpay nilang naidaos ang wedding sa kabila ng pandemic.

The post Carla, Tom gagawa agad ng baby first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments