Mommy Caring bida sa PSA

Pinakain ni Mommy Caring ng alikabok ang mga katunggali nang kumbinsidong pagkampeonan ang 2021 Philippine Racing Commission-Philippine Sportswriters Association Cup Linggo ng hapon sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Pumoste ang winning horse na nirendahan ni Lester De Jesus ng 1:41.8 sa 1,600-meter race upang sikwatin ang P300K premyo sa event na suportado ng Philracom sa pamumuno ni chairman Aurelio De Leon.

Kinopo ni Luke Skywalker ang second place na may P100K habang P50K ang nakuha ni Tocque Bell.

Si Mommy Caring ay lahi nina Striding Ahead at On A Mission na pag-aari ni James Anthony Rabano. (Elech Dawa)

The post Mommy Caring bida sa PSA first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments