Dalaga ‘di nagbigay ng pambiling yosi, sinaksak

Nasugatan sa kamay ang isang 25-anyos na babae nang pagsasaksakin ng kinakapatid niya dahil wala siyang maibigay na pambili ng yosi sa Bacoor City, Cavite Sabado ng hapon.

Ginagamot ngayon sa Southern Tagalog Regional Hospital ang biktimang si Maricris Pesidas y Peru habang naaresto naman ang kinakapatid niyang si Anthony Bien y Peru, 40, kapwa residente ng Longos, Brgy. Zapote 5, Bacoor City.

Sa ulat ni P/SSg. Marvin Rae Calaor ng Bacoor City Police, alas-9:30 kamakalawa ng gabi nang duma­ting ang suspek sa kanilang bahay at naabutan ang kinakapatid nito na nag-aasikaso ng gawaing pambahay.

Humingi si Bien ng pera kay Pesidas para pambili niya ng yosi subalit sinabihan siya ng huli na wala na itong pera, na ikinagalit ng nauna.

Kaya naman kumuha ng kutsilyo at sinaksak ng suspek ang biktima pero nakaiwas ang babae, at kaliwang kamay ang tinamaan. Saka tumakbo si Pesidas at nakahingi ng tulong sa kanilang barangay na nagresulta sa pagkakaaresto ng kinakapatid niya. (Gene Adsuara)

The post Dalaga ‘di nagbigay ng pambiling yosi, sinaksak first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments