Daniel ipit kina Karla, Rommel

NI: ARCHIE LIAO

Sa kanyang vlog, nakapanayam ng talent manager turned vlogger na si Ogie Diaz si Karla Estrada.

Nilinaw ng aktres at TV host na may blessing ng mga bossing ng ABS-CBN ang kanyang pagtakbo sa isang party-list.

Naibahagi rin ni Karla na tila pressured ngayon ang kanyang anak na si Daniel Padilla dahil pareho sila ni Rommel (ama ni DJ) na kumakandidato bilang kongresista .

Hindi man daw nagsasalita si Daniel, napi-feel daw niya na tuliro rin ito dahil ipit o hati ito kung paano susuportahan ang kandidatura ng kanyang mga magulang.

Hirit pa ni Karla, ayaw daw niyang i-pressure ang anak na samahan siya sa kanyang pangangampanya, pero knowing how kind and obedient her son is, alam niya kung gaano kaimportante sa ina ang desisyon nitong makatulong at pumalaot sa politika.

The post Daniel ipit kina Karla, Rommel first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments